Wednesday, September 23, 2009

Pusong Umiibig

Batid nga ng nakararami'y hindi natuturuan ang puso.
Nagmahal ng tapat subalit hindi nasuklian.
Alam na ang tinatahak ngunit ipinilit pa rin.
Nariyan ang kaguluhang hindi nareresolba.
Pangyayaring paulit-ulit na walang patutunguhan.
Umaasa sa bawat salitang isinambit.
Pinagkaitan ng panahon.
Nasaktan ng todo at nagpatawad.
Hanggang kailan kaya kayang maghintay.
09/23/2009 1857 (Biostatistics Class)

1 comment:

  1. paulit-ulit dahil hindi mo natututunan ang dapat mong alamin....

    ReplyDelete