Tuesday, July 28, 2009

Masalimuot na Buhay


Ano nga ba ang naghihintay sa akin sa mundong ito? Mahaba-haba nanaman ang aking tatahaking landas upang malagpasan ang hagupit ng buhay.
Balot ng pag-aalala at matinding pag-hihignapis sa maraming bagay, ang pag-usad ko ay parang napakaimposible.

Minsang naglakad ako sa dilim ay nakainggitan ko ang mga batang paslit. Sila ay napakainosente, problema'y tinatawanan lamang, masaya sa kung anong mayroon sila.
Pag sulyap ko naman sa mga tala sa langit, wala pa ring pag-asang umusbong at kuminang sa puso ko. Hanggang kailan ko magiging kaakibat ang paglulumbay?
07/28/2009 1059

1 comment:

  1. scary pic...
    life has choices, we just have a tendency to choose the harder path....

    ReplyDelete